Comment "re: CLARK-HK-DUBAI" on Clark International Airport / Clark Air Base, Philippines

Picture of

re: CLARK-HK-DUBAI

NABASA KO FROM A BLOG, SHARE KO DIN:

Mga minamahal kong kababayan, ako ay isang kawani ng gobyerno. Ang iyong gobyerno. Ang gobyerno mo na pinagbabayaran ng buwis. Ang iyong gobyerno na nagbibigay sa inyo ng serbisyo at panunungkulan.

Marami talagang tao sa loob ng iyong gobyerno ang mga tiwali. Marami sa mga kasamahan namin ay talagang walang kwenta, at dapat na nakakulong. Katulad lang ng mga pulitiko na diumanoy nagtatamasa ng iligal na yaman mula sa pork barrel ni aling Janet Napoles. Sa isang banda din naman, parang nasabi un ni Atty. Lorna Kapunan na ginagawang escape goat lamang si Ginang Napoles ng mga tunay na maysala.

Ngayon, nang dahil sa kalokohan ng iilan o sabihin na nating, dahil sa kalokohan ng marami, nadadamay na ang pangkalahatang institusyon ng pamahalaan. Ang tingin naman tuloy ng marami, lahat ng nasa gobyerno korap, tiwali, magnanakaw. Tuloy, ang tingin din ng iba, ang lahat ng mga nasa gobyerno walang kwenta, pabaya, at abusado.

Nasasaktan ako. Nanliliit ang budhi ko. Naiiyak ako sa tuwing nadidinig ko mismo ang mga panlalait ng mga tao at media at social media sa mga kawani ng gobyerno. Para sa akin kasi, ako mismo ay ang gobyerno. Kung ano ako, malaking parte dito and katotohanang nagsisilbi ako sa bayan biling isang taong gobyerno. Parang nitutusok ng karayom ang puso ko sa tuwing nadidinig ko na may isang kawani ng gobyerno ang nahuling nagnanakaw sa kaban ng bayan. Naawa ako sa Pilipinas sa tuwing may napapabalita na may isang kawani ng gobyerno ang napatunayang nagkasala. Nasasaktan ako bilang isang tapat na empleyado. Bilang isang tapat mong kawani.

Do not judge us too harshly. Please be fair. Please exercise restraint sa tuwing kayo ay mambabatikos sa amin. Sa loob ng mga kontrobersiya na kumakalat, tanungin din muna nyo ang sarili nyo, alam ba ninyo ang buong katotohanan? o nagpapadala lang kayo sa propaganda ng ibang taong gustong gamitin ang inyong pagiging mamamayan? Natatanung nyo din ba ang sarili ninyo kung ano ginagawa mo para sa bayan bilang isang mamamayan?

Bilang isang mamamayan, ginagawa nyo din ba ang dapat? Ibinibigay mo ba ang nararapat? O ngawa lang din kayo ng ngawa na parang taong walang pagkukusa? Kung magaapply halimbawa ng isang Police Clearance, sasabihin agad na makupad ang serbisyo pero late ka namang dumating kaya madami ng tao. Nagbabayad nga kayo ng buwis pero tamang buwis ba? Saktong sakto lang ang buwis ninyo para sa mga serbisyo. Ang buwis ninyo sakyo lang para sa sampung Pulis na nka-duty. Sakto lang sa isang Guro sa isang classroom. Sakto lang para sa isang MMDA enforcer sa kanto ng East Ave. at EDSA.

Kung mag-aapply ng titulo ng lupa, magagalit na agad kung papabalikin kinabukasan eh hindi ka padin naman kumuha ng Certificate Authorizing Registration galing BIR! Konting kibot lang ngangawa ka na pero wala kang ginagawa para malaman ang lahat ng nakapaligid na dahilan. Nagbabayad ka nga ba ng tamang buwis? Isa kang Abogado or Doktor, nagbabayad ka nga ba ng tamang buwis? Nagii-issue ka ba ng resibo sa mga kliyente mo? Tapos kung makareklamo ka naninigaw ka pa dahil Abogado ka at Doktor ka!

May nabasa ako sa Facebook at pinagpipyestahan. Sinira DAW ng isang immigration officer ang kanyang passport! Pordyos! Sa libu-libong dumadaan sa airport, ito lang ang katangi-tanging nagaakusa na sinira diumano ang passport nya. Natanong kaya nya sa sarili nya kung bakit sa dinami-dami ng tao na dumadaan sa airport eh sya pa ang pinagdiskitahan? Siguro dahil espesyal sya. Porque naghiwalay un cover ng passport at mga pages nito ay kasalanan na agad ng immigration officer? HINDI po. Hindi po dapat agad nag-aakusa ng ganun kahit na mamamayan ka ng bayan ko. HINDI ka dapat naninisi ng tao na posible namang walang kasalanan sa nangyari. EH wala ka ngang katunayan na ginawa ng immigration officer un bukod sa word mo. At magiiskandalo ka pa. Pwede bang NASIRA lang, hindi SINIRA? Kung sakali may kagagawan un taong inaakusahan mo, pwede bang di sinasadya? Natanong mo na ba kung sinong kang tao na sisirain ang passport? Tapos you got hysterical agad? Ngawa ka ba ng ngawa? Tapos ang daming taong nagpaloko sayo. Maraming nasisira sa maling akala. Ang DFA na mismo ang nagsabi, may mga passport talaga na sirain. Kaya wag mo agad isisi sa iba ang pagkasira ng passport. At kayo namang share ng share ng pagnga-ngawa ng taong ito, wag muna kayo magpauto. Bago mangialam, alamin nyo muna. Kung poor quality ang passport, walang may kasalanan. Kusa talaga yang masisira.

Andyan din ung madalas magreklamo na kinokotongan ng Pulis. Eh ikaw kaya ang unang nag-alok ng pera! Di na nga nanhihingi ng pera pinipilit mo pa db? O? Diba nga pag-nahuhuli ka sa daan namimilit ka pa at kusang nag-aalok? O? Malaki din ang ginagampanan mo sa sirkulo ng korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Kasi ikaw mismo bilang isang mamamayan, active participant! Equally guilty! Dapat ka din sisihin.

Hindi lahat ng kawani ng gobyerno korap. Nandyan ang nanay ko na mamatay-matay sa pag-aasikaso sa mga may sakit sa government hospital bilang underpaid na doktor. Nadyan din ang tatay ko na mamatay-matay makipag-barilan sa mga kriminal na gustong manakit sayo. Tang-ina, buwis buhay ang ginagawa namin para lang mapanatili kahit man lang semblance of order sa bayan natin. Bilang isang empleyado ng gobyerno, Pilipino din ako. Ang kaibahan ko lang sa karamihan ay hindi ako ngawa ng ngawa. Ako ay may pagkukusa. Inaalam ko muna ang katotohanan bago mang-akusa ng kapwa. Pinili kong maglingkod sa bayan sa halip na mangibang bayan. At ang dami sa ating, makapangibang bayan lang ang taas-taas na ng tingin sa sarili.

Ako ay isang tapat na kawani ng gobyerno. Gising ako sa tuwing tulog ka para kinabukasan may bayan ka pang makikita. Wag nyo kaming lalahatin. Nakaka-hurt. Wag mong isusumbat sakin ang buwis na ibinabayad mo, kasi, di ka nga tapat magbayad ng buwis. Ang kakarampot kong sweldo, pinagpapaguran ko. Nakapag-diffuse ka na ba ng bomba sa ilalim ng bus sa EDSA? Ako OO. Pero di mo alam un. Wag nyo kaming lalahatin. Hinay-hinay sa paratang. Nakaka-hurt.

PLEASE SHARE.

Log in to leave a comment