Comment "Handcarry Weight - Departure Area" on Ninoy Aquino International Airport, Philippines

Picture of

Handcarry Weight - Departure Area

Sana po consistent ang timbangan sa NAIA. Pabalik kami ng USA via Cathay Pacific, ang sabi sa counter, ok ang timbang, pagdating sa gate, bigla akong inistop ni Mr Malabag at sabi ay bumalik daw ako sa counter at over ang handcarry ko. Sabi ko, accdg sa CP counter, ok na, sabi niya, kailangan bumalik ako ulit sa counter. Paglapit ko sa counter, tinanong ng CP counter employee ano po ang problema, sinabi ko na sabi ni Mr Malabag, timbangin mo daw ulit kasi daw pati HANDBAG kasama. I even told the CP employee, na d2 lang sa Pinas ganito kagulo at pati handbag, kasama sa timbang eh di ba dapat handcarry lang. I've been to Europe, Australia and other Asian countries, pero d2 lang sa ating bansa ganito. Accdg sa CP employee, ok naman ang handcarry & handbag ko kasi wala naman akong puedeng tangalin sa handbag ko kung lumabis man ako ng 1k kasi ang laman ng aking handbag ay mga gamot ko at personal na bagay. Pagdating ko ulit sa gate, tinimbang niya ulit at sabi 9k daw ang handcarry ko, sabi ko sa kanya, paano mangyayari yan, eh, lumakad lang ako papunta sa kanya mula sa CP counter, 8k lang. Kaya ang tanong ko kay Mr Malabag, kung eto ba ang tinatawag nating, "It's more fun in the Philippines". Sana po, tignan natin ang mga ganitong issues kasi nakakaupset sa mga balikbayan na tulad namin. Huwag lang sana tayo maging magalang sa mga banyaga, sana pati sa ating mga kababayan na BALIKBAYAN.

Log in to leave a comment