Comment "Trauma sa NAIA" on Ninoy Aquino International Airport, Philippines

Picture of

Trauma sa NAIA

I was looking all over net where I can air this complaint. Nakakawala kasi talaga ng respeto sa mga pilipino lalo na yung mga staff ng Ninoy Aquino International Airport na walang pakialam kahit sa kapwa nila pinoy. Nuong Last week pabalik kami ng asawa ko na ibang lahi sa pagtratrabahuan namin sa abroad. Before that, I have heard lots of not good stories about NAIA specially the balikbayans. I was just thankful when we arrive at the port it was all smooth for both of us. Yun ang akala ko.

I dont know how this will reach this to our government pero sana nga may makabasa at makarating sa kanila. Dahil Foreigner ang asawa ko we have to buy visa from the country where we are working. It was stamp valid till this specific date. Ang siste pagpasok sa immigration mahihiwalay ang foreigner so they crashed out by pen yung given date and made it shorter without explaining to the poor foreigner na eto lang stay mo sa pinas and you need to pay extra if you'd like to extend. Sana man lang yun eh sinabi ng lintik na staff na yan sa immigration so nagkaidea din kami agad. Kasi tiwala ang husband ko di siya over dun sa date.

In-short nahold kami paguwi. Dahil na rin siguro first timer kami ng uwi sa pinas at paalis galing vacation dun lang namin nakita yung ginawa ng staff so nashock ako. Malay din naman nang asawa ko sa sistema which was not explained to him during the time we land in the Philippine airport. So we were directed at the Immigration Cashier kuno. At hinihingian kami ng five thousand at three hundred plus dahil nagoverstay daw ng 5 days.

Halos mahimatay ako at wala na kami cash dahil nga pauwi kami. Sabi ng cashier pumunta daw kami sa supervisor. Ang magaling na supervisor kaganda ng sagot. Wala daw siya magagawa dahil yun daw ang patakaran kung gusto daw namin magreklamo sa consul na nasa labas pa nang airport. Ayos ang sagot niya. 2 HOURS na lang eh paboard na kami. Tinatry ko talaga sila tanungin anong pwedeng gawin. Nakiusap na iwan ko lahat ng pera basta sana maless or makahingi kami ng tulong man lang sa sino mang mas higher sa kanya (Supervisor) To think na OFW ako, ganun pala sila wala silang maitutulong satin pagnangailangan tayo samantalang for all the world knows, OFW ang nagpapasok ng kita sa bansa natin. Bakit ganun pag tayo nangailangan parang ang sagot nila: MAMATAY KA.

Ganunpaman. Nagawan ng husband ko ng paraan. Nagpapalit siya di oras ng pera which is budget sana paguwi dahil wala pa kaming dadatnan na sahod. Ang bottom line dito eh sana magkaroon naman nang puso at sistema ang NAIA lalo na sa mga OFW at sa mga foreigner. Nakakatrauma ginawa nila at nakakahiya para sa isang pilipino. Hindi lahat ng foreigner mapera. Pinatunayan lang sa airport natin talagang money-maker tayo. Grabe. Sana din itrain nyo mga tao nyo. Iexplain nila sa mga lalo na first timer pupunta ng pilipinas ang system para sa huli hindi nagkakapeste-peste.

Nahihiya ako at ganun ang nagyari samin dun parang ayaw na tuloy bumalik ng asawa ko dun. Sana makarating to sa kinauukulan. Magformulate kayo ng OFW assistance man lang hindi yung OFW service na nagbabayad ang mga balikbayan sa inyo. Mahiya kayo!!!

Log in to leave a comment