Comment "Don't Judge the Book by its cover" on Ninoy Aquino International Airport, Philippines

Picture of

Don't Judge the Book by its cover

Most of the time they base it sa looks. Kung mukha kang lasalista at atenista, makinis at maputi ang balat, samahan na natin ng boses kolehiyala, mayamanin, hindi pilit mag English, articulate, eloquent, KAHIT hindi ka magsalita, kahit first time mo mag travel, kahit mag isa ka, makakalabas ka ng walang problema. Sad but true :(

Paano na lang kung katulad ko, na bukod sa panget na, maitim pa at mukhang mahirap. Kahit isang kilong alahas, at dyamante ang suot ko at kahit gaano pa kamahal ng suot kong damit, at kahit gaano ako katagal maligo , at maglagay ng isang drum na pabango, MUKHANG DUKHA pa din ako kahit busilak ang loob ko. Hindi pa rin nila ako palalabasin, dahil mukhang "TNT" ang itsura ko.

Pero etong mukhang lasalista at atenista kahit naka tsinelas at sando or short lang, isang ngiti lang nila, lusot agad!

Panget man ang itsura ko, may puso din naman ako! Asan ang hustisya???

Log in to leave a comment