Internship in Malaysia
Meron na po akong approved internship visa sa Malaysia valid for 6 months. May documents na din po ako from Malaysian Immigration for my 6-month training sa Malaysia. Hindi po ito employment. Employed ako ng company dito sa Pilipinas pero ipapadala ako ng company for training sa Malaysia. Hindi rin po ako ssweldo sa Malaysia dahil yung sweldo ko manggagaling sa Pilipinas. Kailangan ko pa po ba ng POEA clearance kung hindi naman ako employed sa Malaysia? Baka maharang po kasi ako ng Immigration despite having the necessary visa.
Log in to leave a comment