Comment "First time traveler, alone and w/ no occupation and" on Ninoy Aquino International Airport, Philippines

Picture of

First time traveler, alone and w/ no occupation and

Sa mga first timer na magtravel abroad at mag-isa, masasabi ko na mahigpit talaga mga Immigration officer sa NAIA. Ang maisasuggest ko lang, be prepared! Isipin nyo na lang na sasabak kayo sa isang job interview. Expect the worse!

Sa totoo lang first time ko magtravel.. Nagkataon na wala na akong work at enough source of income. Meron lang ako, roundtrip ticket, invitation letter (not authenticated) passport, birth certificate and TIN card. Sa docx palang alam ko babagsak ako sa secondary inspection pero ang inisip ko na lang nun na ang purpose ko talaga magvacation. Grabe kung mansindak ung IO saken but Thank God naipasa ko at di na ako umabot sa secondary inspection samantalang ung nauna saken na katabi ng lane ko mas naunahan ko pa.

Para sa mga first time magtravel at mag-isa lang tapos walang work:

Keep in mind:

Be prepared.

Ihanda lahat ng docs. Passport, ticket, NSO BC, invitation letter (if sponsored, check nyo list of other docx sa immigration website)..

Be Honest.

Wag mu nang pahirapan pa ang sarili mu na magsinungaling pa IO gamit ang mga fake docs and info. Hayaan nyo na ang tunay nyong info ang magpatunay na karapat dapat kayo makaalis.

Be sincere.

Dapat eye to eye contact kapag kinakausap ka ng IO. Focus yourself sa IO at wag mung intindihin ang iba. IKAW at IO lang! Of course, your body language, too! Kung maari lagay sa likod mga kamay mo para isipin nila na hindi ka lalaban.

Be Smart.

Isang tanong, isang sagot! Wag mapalabok ang pagsagot.. Example: Saan ka pupunta? Ans. Bali, Indonesia. / Sino kasama mo? Ans. Ako lang mag-isa magtravel

Be confident.

Wag maging mahiyain. Kailangan iparamdam mo sa kanila na karapat dapat ka sa desisyon nila. At the same, magsuot ka ng damit kung saan ka talaga comfortable pero syempre dapat ung kaaya-aya at kagalang-galang

Log in to leave a comment